Paano kung ang isang probinsyana ay mapilitang lumuwas nang Maynila? Makakaya kaya niya ang posibleng pagbabagong magaganap sa kanya? "Kakayanin! Ako pa. Dakilang probinsyana kaya 'to!" E' paano kung bukod sa pagiging dakilang probinsyana ay isa rin siyang dakilang tanga? "Uy, teka! Wait naman po Manong. 'Di naman po ako nag-No Jaywalking e. Jillian po pangalan ko, 'di po Jay. Totoo po 'yun. Member po ako ng akyat-bahay pero hindi po ako sinungaling.Teka, Manong! Uy!" Siya si Jillian Makasabet. Probinsyana slash akyat-bahay member. Sa'n ka pa? "Ay no, not akyat-bahay. House climber, okay? House climber." Subaybayan ang kwento ng ating bidang certified probisyana na, proud licensed akyat-bahay member pa! "Siyempre naman. Kapag may bahay, may hanapbuhay. I, thank you." All rights reserved. ashgreybaby 2017