Rebound? May dalawang klase niyan, Una -merong mga rebound na hindi nila alam na rebound na pala sila, yung mga taong ang akala nila mahal sila ng boyfriend nila pero ginagamit lang pala sila para maka move on ang mga ito. Pangalawa -yung mga tangang babae na nag papagamit sa mga lalaking hindi pa maka move on sa ex. Yung tipong alam nila na di naman talaga sila mahal pero minamahal nala yung mga lalaki na akala mo mahal din sila. Kayo? Ano kayo sa dalawang yan? Ako kasi yung sa pangalawa.