Jerk, bully, conceited. Para kay Reese, iyon ang mga perpektong salitang maaaring maglarawan kay Dale - ang lalaking pinakamumuhian niya't bestfriend ng kuya niya. Simula ng fourteen years old siya'y tampulan na siya nito ng kalokohan. Wala itong ginawa kundi asarin siya, pahiyain at gawing katatawanan. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi naman niya magawang itaboy ang binata dahil mayroong isang bagay na tanging si Dale lang ang kayang magbigay sa kanya. And it has to do something with his other side.