Walang taong manhid, hindi naten maiiwasan ma-in love, part yan ng life. Kung meron mang taong hindi pa na-iin love, well. hindi siya manhid, marahil takot lang siya ma-in love, takot siyang masaktan, takot siya na baka di siya mahalin pabalik.... Ang love, ay unexpected na dumadating sa buhay natin, in an unexpected place,time, to an unexpected person, maybe a person you'd never think of falling in love with? Basta, masaya ma-in love! Napapangiti ka pag andiyan siya, basta mahirap i-explain! Pero pag may saya, syempre may lungkot din, masasaktan at masasaktan ka...May comedy, drama, maraming genre pag in love ka :)))) Kaya "Love" is a word for EVERYONE.
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to!
OKAY TAKE TWO!
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinanganak na medyo shunga at madalas ina-atake ng W.M.S (Walang Maintindihan Syndrome) at Kalutanganiosis.
Sa paglipat n'ya sa school na naging pangarap n'ya lang dahil sa madalas n'ya itong marinig sa mga dating kaklase n'ya, makakaencounter s'ya ng samo't saring sakuna na s'yang magbigay ✨SPICE✨ sa simple n'yang buhay estudyante. Matututo s'yang mag-isip at umunawa, na kalimitan n'yang ginagawa sa dating buhay na nakagisnan. Magkakaroon s'ya ng kalayaan na gawin ang gusto n'ya, suotin ang nais nya, at kumilos sa parang gusto n'ya, nang hindi nakakatanggap ng batikos at panghuhusga sa pagkatao at kasarian n'ya. Makakakilala s'ya ng mga taong matatanggap ng buo ang pagkatao nya! At higit sa lahat...makakahanap s'ya ng ✨LOVE LIFE✨
PERO PLOT TWIST!
She's gay...
Magiging successful kaya ang journey n'ya sa bagong school kung ang halos lahat ay kilala s'ya bilang isang bakla?
At anong klaseng relationship naman kaya mae-experience n'ya, kung ang lalaking magkakagusto sa kanya ay nakikita s'ya hindi bilang isang babae, hindi bilang lalaki, kundi isang lalaking may pusong babae?
Boys Dormitory
Started: 02/08/21
Finished: 09/01/23