Sa libo-libong tao sa mundo, imposibleng walang taong nakalaan sayo. Minsan ang kailangan mo lang gawin ay ang maghintay at hayaang si tadhana na ang gumawa ng paraan para makilala mo ang taong para sayo. -- Si Aleisa ay ayaw magmahal at never pang umibig. Ayaw niyang magmahal dahil takot siyang masaktan. Si Richmond naman ay hindi alam kung paano magmahal. Ang alam niya lang ay ang manloko at magpapalit palit ng babae. Sabi niya, "Ang pag-ibig ay isang klase ng laro. Nasa sa iyo kung magpapatalo ka o lalaban ka. Ngunit sa klase ng larong yan, hindi pwedeng walang nasasaktan." Pero paano kung isang araw, mabago nila ang pananaw ng isa't isa sa pag-ibig. Paano kung mahanap nila ang pag-ibig sa isa't isa. Pero kagaya ng sabi ni Richmond, ang pag ibig ay parang laro. Sino ang matatalo? Sino ang mananalo? Sino ang masasaktan? Sino ang maiiwan? ...The game called LOVE.