Ang pagiging irregular student sa kolehiyo ay hindi madali. Nandyan yung kailangan mong humanap ng schedule na swak sa papasukan mong subject. Nandyan din yung kailangan mong maging friendly... yung tipong ikaw mismo ang mag-a-approach sa mga bago mong kaklase. Nandyan yung mahabang vacant o di rin nama'y hindi mo makasama yung mga kaibigan mo dahil sa hindi ka naka-enroll sa klase nila. Minsan pa, alone ka lang kasi minsan, OP ka. Tapos, minsan, hindi mo pa makasundo yung mga regular students lalo na kung gusto nilang ipalipat yung subject dahil mahaba yung vacant nila, kaya lang hindi ka pwede, dahil may ibang klase ka sa time na yon. Naranasan nyo na ba 'to? Ako, oo. Marami pang connotations sa pagiging irreg. Andyan na kesyo may bagsak ka, kesyo hindi ka pumapasok. Pero hindi rin naman puro negative ang dulot nito... meron din naman masaya. Pano ko nasabi? Kasi naranasan ko.
Dahil puro pang high school moment ang nababasa ko dito sa wattpad, naisip ko... "Pa'no naman yung mga college students?" Hindi rin naman kasi porke't college ka na, matured ka ng mag-isip. Pa'no ko nasabi? Kasi nararanasan ko. :PAlle Rechte vorbehalten