Sabi nila saka mo lang marerealize na mahal mo ang isang tao kapag huli na ang lahat... Paulit uli ko nakikita ang mga katagang yan sa Facebook, Twitter, at Instagram. Pero sabi ko lang sa sarili ko mga kakornihan lang yan ng mga kabataan. Di ko pinaniwalaan yun noon, pero nung mangyari yun sa akin saka ko lang nalaman na... totoo pala. At sobrang nagsisi ako na bakit ngayon ko lang naramdaman na mahal ko pala siya?