Akala ni Raven ay ang pagdala ng mga magulang nya sa kanya sa Ilocos ang magiging kaparusahan nya sa kasalanang hindi naman talaga nya ginawa. But she was wrong. Dahil pagdating nya sa Ilocos, isang mas masakit na kaparusahan ang naghihintay sa kanya. His Angelic face. Mga malalalim na mga mata at makakapal na kilay na para bang hinihipnotismo ka kapag iyong tititigan. And his damn kissable lips and perfect body. Ito ang kaparusahang naghihintay sa kanya. Si Reyst Salazar ang naging kaparusahan nya. At hindi nya na namalayang mas lalo syang nagkakasala dahil sa lalaking ito.