"Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew." ~ Ellie Magkababata, magkalaro, at mag best friend si Ellie at Andrew. Naging malapit sila sa isa't isa simula nung lumipat ng paaralan si Andrew. Si Andrew ay kilala sa kanilang paaralan samantalang si Ellie naman ay isang tahimik at mahiyaing bata. Si Ellie ay di sinasadyang magka-crush sa kanyang best friend. Natatakot syang malaman ni Andrew na may crush sya sa kanya dahil baka ito lang ang ikasira ng kanilang pagkakaibigan. Ngunit habang tumatagal ay lumalim ang pag tingin nya sa binatilyo. Maitago nya pa kaya ang kanyang nararamdaman? At kung malaman ni Andrew ang kanyang sekreto lalayuan kaya sya nito?
18 parts