LOVE? Ano nga ba ang love. para sa akin, kung ikukumpara ko siya, gusto ko sa ROSAS. bakit? kasi ang Love para siyang rose, hindi mo kayang ipaliwanag sa isang salita. kung tititigan mo sa malayuan, parang ansarap lapitan at kuhanin. parang sa love, parang ansarap sa pakiramdam. gusto mong maramdaman. Pero ang rosas, pag nilapitan mo at pinagmasdang maigi, makikita mo ang mga tinik na nakapaligid sa tangkay nito na kapag hinawakan mo at tinangkang kuhanin ay masasaktan ka.
Just like love. pag ones naaramdaman mo ito, di maiiwasang masaktan ka.
Ang sabi ng karamihan, ang pagibig daw ay puro kasiyahang dulot. pero para sa akin, ang love ay puro sakit lamang ang ibibigay. oo sa una masaya ka, pero pagtumagal? masaya ka pa rin kaya?
sa mundo walang kasiguraduhan, oo masaya ka ngayon pero bukas malay mo hindi na. oo tumatawa ka kanina pero mamaya iiyak ka din. umiikot ang mundo, at pati na rin ang nangyayari sa atin umiikot din. wag kang papakasigurado kasi sa Mundo , walang PERFECT. ;)