Ako yung tipong mahirap maging girlfriend. Pero merong dumating na isang lalaki na handang maghintay para sa akin. Pero yung totoo hihintayin ba talaga niya ako? Mahal ba niya ako? Pinaglalaroon ba niya ako? What if Hindi niya ako mahal? What if isa lang ako sa mga laruan niya? What if niloloko lang nya pala ako? At sa totoo lang, magpapakatanga ba ako para sa kaniya? Sana Lahat ng WHAT IF ko Hindi totoo. Sana Hindi niya ako lokohin at Sana mahal talaga niya ako kasi kung nagkataon na Ibigay ko sa kaniya ng buong puso ang puso ko at niloko lang nya pala ako sisiguraduhin ko na magsisisi siya. Dahil hindi ko basta ipag kakatiwala ang puso ko sa isang lalaking PLAY BOY... Gusto ko siyang baguhin, gusto ko na ako mismo ang magbabago sa kanya para makasigurado na Hindi na ulit siya magiging PLAYER... Having a relationship with a play boy is not easy dahil pag nagmahal ka dapat handa ka ding masaktan, handa ka ding maka sakit ng iba kahit hindi mo gusto. Dahil pagnagmahal ka Ibig sabihin handa ka ng harapin ang iyong bangungot. Bangungot na ayaw mong mangyari dahil alam mo na makakasakit ka ng iba. Ito ang tandaan nyo. Kahit gaano ka kahirap mahalin meron at meron ding magpapalambot ng puso mo at siya ang magmamahal sayo. *******####****** Gaano ka man kahirap abutin, pipilitin parin dahil ganoon kita ka mahal.- Mark Hindi mo ako basta basta maaabot dahil mas mataas pa ako sa inaakala mo. Kung gaano ako ka taas syang taas din ng pride ko.- Jessy Hindi ko isusuko ang pagmamahal ko. Kung nagkamali man ako dati, pilit ko iyong aayusin para mabalik ko lang ang pag tingin mo sa akin. Hindi ako basta susuko dahil ganoon kita ka mahal.- David <3 <3 <3All Rights Reserved