May mga batang itinuturing na anghel. Mayroon namang mga isinumpa "raw" o malas sa pamilya. May mga batang-magulang; maagang nagbabanat ng buto para buhayin ang sarili at pamilya o kaya naman ay mga batang literal na nagiging magulang na. May mga nanlilimos sa lansangan at mayroon naman nanlilimos ng pagmamahal. Mabingi-bingihan man tayo sa tahimik nilang sigaw, magbulag-bulag sa nakikita nating kinasasadlakan nilang putik. Hindi natin maitatago ang katotohanang karamihan sa kabataan ngayon ay nanliLIMOS.All Rights Reserved