Sa buhay ng isang tao, ano nga ba ang tunay na mahalaga? Ang mamuhay ng masaya kahit walang pera? O mamuhay ng madaming kwarta ngunit hindi ka masaya? Bakit hindi maaring pagsabayin ang dalawang bagay na ito sa mundong ating ginagalawan? Tunay nga bang pera lang ang nakakapagpaikot ng mundo? Bakit hindi sapat ang maging busilak ang iyong kalooban para maipagpatuloy ang iyong magandang kinabukasan? Bakit sa tuwing may kasiyahan na dumarating, kasunod na agad ang kalungkutan? At bakit kung kailan mabuti ang iyong pinapakita, ibabalik sa iyo ang kasamaan? At bakit sa lahat ng aking mga katanungan, hindi ko mahanap ang kasagutan? Marahil sa ngayon, hindi ko pa masagot ang paulit ulit na mga katanungan pero hayaan niyo ikwento ko sa inyong lahat ang aking true to life story na magbibigay inspirasyon sa karamihan lalo na sa mga kababaihan na hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago. Hindi pa nauubos ang umaga para sa bagong kinabukasan ating hinahangad. Kung paano ka nalugmok sa mundong hindi ka makawala dahil sa ito ay nasimulan mo ng hindi tama, hindi mauubos ang pag-asa na kaya mo pa ito baguhin. Sa bilyong bilyon tao sa mundo, may isang tao na tatangap sa iyong mapait na nakaraan para palitan ng magandang alaala na inyong pagsasaluhan. May isang tao na ibabangon ka sa masalimuot na kahapon para maging kasama mo sa iyong kasalukuyan at maging karamay mo sa hinaharap. Ngunit bago mangyari ang lahat ng yan. Kailangan muna natin tanggapin ang ating mga sarili at lalong lalo na mahalin ang ating mga sarili dahil tanging sa mundong ito, sarili lang naten ang ating maaasahan. Sa istorya kong ito, sa lahat ng kasiyahan, kapighatian, kalungkutan at pasakit , kasawian, etc. sa mala roller coaster kong buhay, dito kayo matututo sa hamon ng buhay. Dahil sa kabila ng lahat ng yan, nananatili pa din akong matatag at hindi sumusuko. Ang storya din na ito ang magpapatunay na lahat ng tao sa mundo may kakayahan magbago.... Lahat... Lahat tayo..