Once upon a time, sa isang makitid na barrio na kalahati ng populasyon ay puno ng patung-patong na nakasampay na mga damit, mga nabubulok na basura, inaamag na tinapay, namumutiktik na dura sa kalye, nanlilimahid na mga poste at tumba-tumbang bahay; nakatira ang mga nagkukutuhang ale, mga naghahabulang bulilit na kandalawlaw ang berdeng uhog, mga nag-iiyakang sanggol, mga nagbubungguang tiyan ng mga buntis na babae, mga upos ng sigarilyo ng mga patpating lalake, mga nagbubugbugang kabataan at ang dalawang dalgang araw-araw ay nagbubulyawan. Sila si Cinderella at si Aschputtle.