Kay daming posibilidad Na pwedeng daan na pwede nating nahakbangan Pwedeng sa ibang kalye ka lumiko, Pwedeng di na tayo nag tagpo. Pwedeng ding mag kaiba ang gusto mo sa gusto ko. Pwede namang hindi na nag katinginan ang mga mata nating dalawa, Pwede ring naduwag nalang ako at nagtago noong gustong-gusto na kita Kaso hindi.. Sa kanya-kanyang paghakbang natin, Nagtagpo tayong dalawa. Sa unang pag sasalit-salit ng ating mga daliri, Sa unang pagpapalitan ng pawis sa ating mga palad, Hindi ko agad nahulaan kung hanggang saan kita sasamahan at hahawakan. Kay daming posibilidad, Pero BAKIT TAYO? WHY US?