May dahilan daw ang pwesto ng bawat parte ng ating katawan. Mind over heart daw totoo naman nasa mas mataas na bahagi ng katawan natin ang utak kaysa sa puso pero sino nga ba ang dapat mas masunod? Ano nga ba ang utak? Ano nga ba ang puso? Ang utak ang nag iisip siya ang mag iisip ng tama at mali. Ang puso ay ang may kakayahang makaramdam, madalas kung napapasaya tayo ng naipaparamdam ng ating mga puso ay nagiging masaya nalang tayo at hindi na iniintindi ang opinion ng mga taong nakapaligid sa atin. Pero paano kung ang utak at puso mo ay nag lalaban sa kung ano ang tama sa mali? Ang dapat sa hindi? Ano ang mas papakingan mo ang sinisigaw ng utak mo na dapat mong gawin o isinisigaw ng puso mo na gusto mong gawin? O mas pakikingan mo ang sinasabi ng mga taong nasa paligid mo na gustong ipagawa sayo ang sa tingin nila ay tama sa mata nila at mata ng nasa paligid mo? March 9,2017-(ongoing)