Ano kaya yung feeling na mainlove? Masakit kaya? Bakit umiiyak ang mga tao dahil dito? Psh kung masasaktan lng sila bakit pa sila mag mamahal? Mga tao nga naman oh "Ayoko na. Ang sakit sakit i loved her for 5 freaking years! Tapos.. Tapos lolokohin nya lang ako? Bakit? Pero ok lng. Mag babago naman siguro sya haha tama! " Yan nanaman sya. Si Archer. Ang binabantayan ko well inatasan ako sa itaas para bantayan ang isang hayyy. Batay sa aking Purple book. "Archerico Samuel Yu 19 years old. Male 2nd year college Bs hrm Pasaway. Sakit sa ulo sa lahat. Pero martyr sa iisang babae. Si Caia Caecilia Park. Ilang beses na nyang nakita na may bago ito ngunit ayaw nya pa tanggapin. " Pano ko kaya ito aayusin? Kelan kaya ako mag kaka pakpak? Ang cool ko siguro nun haha Angel ako pero wala akong pakpak. Hindi ko alam kung bakit Pag tingin ko kay arch Wala na sya!? Asan nanama yun?