Mahirap maging ina sa batang edad. Masakit ang mga panghuhusga at ang mga pang-iinsulto ng mga taong nakapaligid sakin, lalo na ang marinig 'yon sa mga akala kong nagmamahal at inaasahan kong iintindi sakin. Masakit na parang namatay ang kabataan ko dahil nag-kaanak ako nang maaga. Pakiramdam ko ay lumipad na palayo ang pangarap ko. Nang dumating si Tricia, ang anak ko, parang namatay na ako. Kasabay ng pagsilang n'ya ay ang pagsilang ng bagong ako. Hindi ko na maaaring balikan ang buhay ko at sa kanya na umikot ang buong mundo ko. Higit sa lahat, masakit na tila mag-isa ako sa laban ko sa buhay.
56 parts