Bakit ka ba natatakot na aminin sa taong mahal mo na mahal mo sya? Bakit ba, kahit ang sakit sakit na, tinitiis mo parin? Bakit ba hindi mo masabi sabi na mahal mo sya? Dahil ba, hindi ka nya kilala? At natatakot kang mareject? O baka naman, mag bestfriends kayo, kaya ayaw mong masira pagkakaibigan ninyo. But you know what, you'll never know until you try. Everything's worth trying. Give it a shot. Pero, ang dapat parin sundin, ang puso, pero huwag kalimutan ang utak para wala kang sisisihin sa huli. Kung para sayo, para sayo, darating at darating ang time na mapapasaiyo talaga kung it's meant for you. Huwag madaliin ang mga bagay bagay.
Alam naman nating lahat, nakakatakot mag mahal. Tiwala ang itataya mo. Once na nasira yung tiwala na yun, palaging may doubt ka na. Palagi ka nang nagtatanong sa sarili na ''what if?'' puro ka what ifs. Tandaan, hindi lahat ng tao, pare-pareho. Hindi porket niloko ka na ng ex mo, eh lahat na ng tao manloloko.
Loving can hurt, sometimes. But it is the only thing that I know.