Eroplano, sa kalangitan ang tinatanaw
Ko noon at palagi kong inaabangan
Halos yun ang nakikita araw araw
Na iniisip ko'y bakit pa ganito dahilan
Bakit kailangan paglayuin ang ako at ikaw
Eroplano, dun huling nagpaalam at nagkita
Sumakay ka para magtrabaho sa malayo
Gustong pumatak luha sa aking mga mata
Ngunit alam kong makakaya ko lahat ito
Kahit masakit isipin na di magkakasama
Eroplano, ng hinatid kita dati sa paliparan
Dala dala iyong maleta napayakap ka sakin
Nagpaalam, pero akin din muna bibitawan
Kamay mo dahil kailangan kong tanggapin
Sapag-alis mo'y ako parin ang babalikan
Eroplano, kumakaway ka habang lumilipad
Laging inabangan tawag at mga simpleng mensahe
Nag aalala ng labis ako't mundo'y halos bumaliktad
Dagat man pagitan pagsubok ay napakadame
Asahan mong pangarap natin matutupad
Eroplano, ba ang dahilan ng aking pag iisa
Taon, buwan, at minu-minuto dinadasal
Sa panaginip muling nabubuo ang isa't isa
Pero madalas mag away habang tumagal
Di na maramdaman ako'y mahalaga pa ba?
Eroplano, ng mabalitaan sa kaibigan kong pauwi kana
Naghintay ako sa init, ulan sa pagbabalik mo
Mayroong ibang umaalalay habang bumababa
Masayang masaya at babalik na sa dati tayo
Subalit ng palapit ako hindi na nya ako maalala
Eroplano, tumigil sandali ng tinanong nga kita
Yayakapin ulit pero bigla mo huling nabanggit
Isang salita na katanungan na sino ka ba?
Yun na pala may iba kana di ko nagawang magalit
Umiwas ka't dahil may iba na sayo itong nagpapasaya
Eroplano nga ang naglayo sa pagmamahalan naming dalawa.