Sinulat ni RA Alcantara
May isa akong matalik na kaibigan
Sa lahat ng bagay ako'y tinulungan
Kapag may problemang pinagdaraanan
Sa anumang oras na sya'y aking kailangan
Di nag aalingan araw-araw nya pakinggan
At kanya pa akong laging kwe-kwentuhan
Nagkakilala kami sa tabi ng dalampasigan
Doon madalas naglalaro, at nagtatakbuhan
Sabay din nag aaral sa'ming paaralan
Di ko pinabayaan matagal pinagsamahan
Kahit mayroong kaming parehas nagugustuhan
Palihim namin tinago ang nararamdaman
Ano ba dapat kong gawin?
Ano ba dapat kong unahin?
Ano ba dapat kong isipin?
Puso o pagmamahal ang paiiralin?
Habang nakatingin sa salamin
Baka kasi masira pagkakaibigan namin
Katanungang kayhirap lahat sagutin
Lumipas mahabang taon, at ipinagtapat ko
Sakanya na crush rin ang kanyang gustong gusto
Biglang umalis, umiwas sya tumakbo palayo
Tumulo aking luha, dapat noon sinabe na ito
Para wala samin nasaktan at umasa pareho
Di na kita nakita, hinanap ka sa bahay nyo
Nagpunta na sya maynila sabi ng kanyang lolo
Malabo na siguro magkasama ulit tayo
Sinong nagbago sa'tin sadyang ikaw ba o ako?
Mula ng di nagkaunawaan, samahang nasira
Dahil sa pinagtalunan, unti-unting nawala
Ang dating pagkakaibigan kung saan nagsimula
Di pala ako naging tapat sa aming dalawa
Kaya ganito naman kinahantugan sa isa't-isa
Maaring salitang di maipaliwanag nadarama
Nagkamali man ngunit sana'y mapatawad pa
Ating "Friendship" ay lilimutin ko nalang ba?
O Yung "Relationship" para ako lang maging masaya?
"If a poet loves you, you will never die."
I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way.
The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant in turning emotions into a beautiful craft.
As Jim Morrison says, "If my poetry aims to achieve anything, it's to deliver people from the limited ways in which they see and feel."