Gusto kong ipakita sa kanya na naka-move on na ako. Kasi nakakasawa na talaga yung akala nya sya lang yung okay sa'min. Okay na naman ako ah. Teka, okay na ba talaga ako? Kung okay na ang tawag sa pagtingin pa din sa kanya pag makakasalubong ko sya sa hallways, o yung kabang nararamdaman ko pag nagkakasalisihan kami, then okay na ako. Damn. I just want to move on. Gusto kong magmukhang matapang after that 2 fucking years of relationship- no! Relationshit. Bakit ba kasi hindi ko na lang matanggap sa sarili ko? Alam kong para akong tanga na nag-aantay pa din sa wala. Kahit na alam ko na sa sarili ko na wala ng babalik sa'kin. Nag-aantay pa din ako sa taong hindi naman kaantay-antay. "I want you. Please don't leave me. I want you here beside me. You think I'm not serious? Tingin mo ba nagbibiro pa din ako hanggang ngayon? Hindi. Kasi mahal na kita. I want all the strings attached now."