Paano kung,... 'yung kababata mong hinangaan mo noon, ay pagtatagpuin muli kayo ng tadhana sa kasalukuyan? Tadhana nga ba? O sinadya mong hanapin siya, nang sa ganon ay makaganti ka sa mga ginawa niya sayo noon. 'Yung mga panahong, wala ka pang muwang sa reyalidad at totoong mundo,... pero sinasabi ng puso mo na, "Kahit bata lang ako, alam kong kaya ko rin magmahal!",... Hanggang sa,... naglakas loob ka ng umamin ng iyong totoong nararamdaman sa iyong kaibigan na labis mong hinahangaan,... Hanggang sa,... dumating na ang kinatatakutan mo. 'Yung akala mong mala-anghel, at mistulang perpektong nilalang sa iyong mga mata, ay nag ala-hudas dahil sa pagtanggi niya sa iyong nararamdaman, at ipinagtabuyan ka pa palayo dahil sa hindi malamang rason?! Ayos naman ang lahat! Okay kayo, masaya kayo sa tuwing kayo ay magkasama, (well, hindi sa lahat ng oras, pero alam mong masaya ka na kapiling mo siya, at makita lamang ang kanyang matatamis na ngiti ay sapat na.),... Pero bakit kaya ganon? Matapos natin gawin ang lahat para sa taong hinahangaan natin,... Sakripisyo para masabi ang iyong totoong nararamdaman, ay nagagawa parin tayong tanggihan at saktan ng ating hinahangaan o minamahal? ----------------------------------------- Tuklasin ang takbo ng buhay ni Eros Montesilva, at ang kanyang makulay na mundo sa kwentong, "Meeting Ms. Pietistic". Paano kung 'di na tulad ng dati ang samahan ninyo? Paano mo maibabalik ang lahat sa dati? Basahin ang kwento ng makulay na mundo ni Eros Montesilva kasama ng kanyang babaeng hinahangaan noon--- HINDI NA NGAYON?! ------------------------------------------- Author's Note: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Ang mga lokasyon, pangalan ng tao o anomang nabanggit sa kwento ay walang kinalaman sa kasalukuyan. Ang istoryang ito ay gagamit ng salitang Tagalog at English. Thanks to my special someone for inspiring me to write this story! :) Have fun reading! Enjoy! :)
5 parts