Pangarap ng binatang magbubukid na si MAR TILYO na maging kasintahan ang maestrang si KARA YOM. Pero, teka! Ang ating bida ay lantaran ang pag-ayaw sa kanya ng ina ni Kara na si aling Guma. At mahigpit ding tinututulan ng mommy dear ni Mar na si aling Mela. Paano na ang kanilang lovelife? Paano na ang bawat gabing malamig kung hindi ang sinisintang si Kara ang kaniig. Nunca! Nunca! Makikipagtigasan ang ating mga bida. Hindi dapat hadlang sina Guma at Mela sa kanilang pag-iibigan. Paano na iyan, kung isang araw ay bigla siyang makalimutan ng kanyang manang biday dahil sa bakasyunistang si SIGU RIDAD? Kakayanin niya kayang magpakamatay, este, maghintay?