Mahal kita, oo. Pero anong ginawa mo? Sa dinadami dami ng pinggan sa bahay niyo, bakit tiwala ko pa ang binasag mo? Bakit sya ang pinili mo? Bakit hindi ako? Hindi ba't ako ang nauna diba? Ang sakit. Dobleng sakit, dahil dalawa kayong mahal ko't mahalaga sa buhay ko. Bakit sa bestfriend ko pa? Bakit kaming dalawa pa? Sa ngayon, GALIT AKO. Mahal kita pero gagawin ko lahat mabawi kalang. Hindi kita kayang iwan, gaya ng pangako ko. Ang gusto ko ngayon, gumanti. Mabalik ka sa piling ko. Gaganti ako, kahit masaktan pa sya. Babawiin kita. Pero paano nga ba ako magsisimula? Mahal ko kayong dalawa. Mahalaga kayo. Pero ginago niyo 'ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, poot, at inggit. Gusto kung gumanti. PANGAKO, gaganti ako. Sa paraang mawawasak kayo. Higit sa sakit na dinulot nyo, kahit mahalaga kayo sa akin. Kahit pa mahal kita. GAGANTI AKO. MAKIKITA NYO. Pero simula nang dumating Siya, HE changed me. He change me for the better.All Rights Reserved
1 part