Pinagmamasdan ko siya mula sa malayo. Hinihintay na baka sakaling lumingon siya at makita niya sa mga mata ko ang sayang dulot niya sa buhay ko. Inaaral ko ang bawat kilos niya upang kahit hindi na siya abot ng aking tingin ay mananatili siyang nasa isipan ko. Ngunit sa bawat minutong lumilipas, naiisip kong kahit na anong gawin ko, hindi nya pa rin ako makikita o lilingunin man lang. Tatlong taon. Tatlong taon ko na siyang pinagmamasdan sa malayo. Tatlong taon ko na siyang gustong kaibiganin o kausapin man lang pero sa tuwing magtatangka ako, bigla akong nawawalan ng lakas ng loob na gawin iyon. Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya pero ang malinaw lang saken, masaya ako at bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya. At siguro dahil sa takot na ma-reject niya, nanatili ako sa lugar at pagkakataon na hindi niya ako makikita. Na kahit malapit lang ako sa kanya, he will never see me no matter what I do.Tous Droits Réservés
1 chapitre