"Naka-diaper pa lamang tayo, alam kong ikaw na ang nakatadhana para sa akin." Hiniling ng kanyang tiyahin kay Kaykay na baguhin ang ampon ng mga ito na si Zeus. Masyado kasing arogante ang lalaki. Hindi ito pumupunta sa simbahan. Dakila rin itong tambay. May hikaw pa ito sa tainga na naglalarawan na isa itong mapaglarong lalaki. He was freakin' playboy and she was freakin' in love with him kaya pumayag siya. Hindi nagtagal ay tuluyan na silang nagkalapit at inalok siya nitong maging girlfriend. Akala niya ay ayos na ang lahat, ngunit sadya yatang hindi niya kayang baguhin ang nakasanayan nito. Bumili ito ng singsing, pero hindi iyon para sa kanya. Ano ngayon ang gagawin niya? Maging atheist na rin ba para makapag-higante siya rito?