Dear crush, Kung sakali mang mabasa mo to, sana nasa maayos kang kalagayan. May mga bagay lang talaga akong nais itanong sayo ng sa ganon ay maliwanagan ang aking nagugulumihang isipan. Bakit mo ba ako sinama sa inuman? May magandang rason ba ang pagsuka mo sa akin? Bakit mahilig kang pumunta sa seven eleven pag gabi? Naging masaya ka ba sa mga panahong magkasama tayong umuupo sa harding may nakapaskil na 'keep off grass' ? At bakit palaging may umeepal na magbabalot sa tuwing tayoy magkasama? At higit sa lahat, minahal mo ba ako? Lubos na gumagalang, Soy. Ang Pamintang si Soy by Kennykenpen
7 parts