Kagagaling lang mula sa isang masakit na kahapon, ayaw pang masaktan muli ni Kiera Santiago. Ang mga sugat na dapat ay naghilom na ay muling magbubukas. Paano kung ang pag-alala sa karanasan niyang mapait ay makakatulong sa mga kasalukuyang nangyayari? Vampires, Werewolves and Witches. Hindi alam ni Kiera kung dapat ba siyang maniwala o hindi. Pero isang bagay lang ang sigurado, isang supernatural being ang ugat ng lahat ng sakit na naranasan niya. Will she stay out of it, back down or will she fight and learn the ultimate truth?