CALL ME, BABY BY: REINAROSE
  • Membaca 38,383
  • Suara 1,311
  • Bagian 17
  • Membaca 38,383
  • Suara 1,311
  • Bagian 17
Sedang dalam proses, Awal publikasi Mar 29, 2017
"H-hindi ko maintindihan ang ibig mong s-sabihin!" nauutal na wika ni Baby, bakas sa kanyang mukha ang takot at pagkabigla.

"Pagbabayaran mong lahat ito! Buhay mo kapalit ng buhay ni Miena!" malakas na sigaw ni Abrix. Bigla na lang tumulo ang luha buhat sa mga mata nito. Ang mukha ay kababakasan ng sakit at galit.

Umawang na ng lubusan ang bibig ni Baby. Hanggang sa tuluyang maglinaw sa kanyang isipan ang nangyari ng nakaraang gabi.

Dahil sa isang misteryosong tawag na natanggap ng dalaga, ang buhay niya ay nasa bingit ng panganib sa kamay ng binatang puno ng galit at paghihinagpis.
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang
Daftar untuk menambahkan CALL ME, BABY BY: REINAROSE ke perpustakaan Anda dan menerima pembaruan
atau
Panduan Muatan
anda mungkin juga menyukai
(Free) Finally Found You (Tagalog) oleh Serenity_Amore0910
11 Bagian Lengkap Dewasa
"NANDITO ka na naman. Lagi ka na lang bumabalik dito sa dati nating tagpuan. Hindi ka ba napapagod o nagsasawa man lang?" kausap ni Jerome kay Jenny habang nakaupo ang dalaga sa upuang inukit niya noon sa malaking puno ng mangga. Nasa ituktok iyon ng burol, hindi kalayuan sa unibersidad na pinapasukan nila. Madalas silang magpunta roon ng nobya tuwing break time upang mag-relax. "Bakit hindi mo maintindihan na tapos na tayo?" muling wika ng binata upang maipabatid dito ang nadarama. Gayunma'y hindi siya sinagot ni Jenny at sa halip ay tumulo lamang ang luha nito sa mata. Nakita niya pang malungkot itong ngumiti at tumingala sa kalangitan. "Nandito na naman ako mahal ko. Nahihirapan pa ring tanggapin ang pagkawala mo," bulong ng dalaga habang hindi nakikita si Jerome sa tabi nito. Nahihirapan ang loob na idinantay ni Jerome ang kamay sa balikat ng minamahal. Subalit tumagos lamang iyon sa katawan ng dalaga. Naikuyom niya ang kamao sa sakit na nadama. "Bakit hindi kita makausap, mahagkan o kahit mahawakan man lang? Paano ako matatahimik kung ika'y nahihirapan?" malungkot niyang sambit habang tahimik na sinusubaybayan ang babaeng minamahal. Lumipas pa ang mga araw na hindi pa rin iniiwan ni Jerome ang dalaga. Hindi matahimik ang binata habang nakikitang hindi masaya ang minamahal. "Jenny!" Sabay silang napalingon ng dalaga sa pinanggalingan ng tinig. Nasa loob sila ng mini garden ng paaralan ng mga sandaling iyon. "Oh, Joel?" tugon ng dalaga nang mapagsino ang dumating. Samantalang siya ay nanlaki ang mga mata nang matitigan ang kakilala ng nobya. Hindi siya maaaring magkamali, hinding-hindi niya malilimutan ang taong nasa harapan dahil ito mismo ang pumatay sa kaniya!
The Innocent Killer (Tagalog) oleh YasherSolaiman
11 Bagian Lengkap Dewasa
Prologue: Sa tahimik na bayan ng San Rafael, nakatayo ang isang malaking bahay na tila itinago ng makakapal na punongkahoy at matataas na pader. Sa labas nito'y mukhang perpekto-maliwanag ang mga bintana tuwing gabi, masagana ang hardin, at ang tunog ng halakhakan mula sa apat na magkakapatid ay tila musika ng kaligayahan. Pero sa likod ng pader na iyon, nagtatago ang isang lihim na magbabago sa kanilang mundo magpakailanman. Isang maulang gabi, bumalik ang mga magulang ng magkakapatid mula sa isang linggong trabaho sa Maynila. Ang dapat sana'y masayang pagsalubong ay nauwi sa isang karumal-dumal na trahedya. Sa sumunod na umaga, natagpuan ang kanilang mga katawan-duguan, wasak, at iniwan sa mga posisyong tila binalak ng isang sadistang mastermind. Kasama nila ang tatlong magkakapatid na pinaslang sa parehong brutal na paraan. Pero may isang nakaligtas. Ang panganay na anak na si Joash, ang idad ay nasa dalawampu't tatlong taong gulang na tahimik at masunurin, ay natagpuan sa loob ng isang aparador-hindi umiiyak, hindi nagagalit, pero nananatiling walang emosyon. Walang bakas ng sugat sa kanya. Tila siya'y inosente. Ngunit bakit parang may kakaiba sa kanyang mga mata? Parang may kwentong gustong ikwento, pero pinipiling manatiling lihim. "Joash," tanong ng pulis na humahawak sa kaso, "may nakita ka ba? Sino ang gumawa nito?" Tumingin lang si Joash sa bintana, na parang walang narinig. Pero sa kanyang isipan, malinaw ang bawat detalye ng gabing iyon-ang mga tunog ng sigaw, ang amoy ng dugo, at ang malamig na halakhak na umalingawngaw sa kanyang mga alaala. Hindi niya alam kung paano niya itatago ang lihim na iyon, ngunit isang bagay ang malinaw: ang inosenting killer ay hindi basta-bastang matutuklasan. Ang tanong, hanggang kailan?
anda mungkin juga menyukai
Slide 1 of 10
AlaSais : Nightfalls at Six (Unfinished) cover
Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓ cover
(Free) Finally Found You (Tagalog) cover
The Innocent Killer (Tagalog) cover
HILAKBOT NG LIWANAG cover
Psst... Apo! (Published under BOOKWARE) cover
All about Adams cover
Beneath the shadows of greed cover
Jackpot In Love (Published under PHR) cover
His Property cover

AlaSais : Nightfalls at Six (Unfinished)

16 Bagian Sedang dalam proses Dewasa

2015. Makalipas ang ilang taon na pamumuhay sa siyudad pinagdesisyunan na rin ni Michelle ang umuwi sa lalawigan kasama ang kanyang pamilya . Ang nawa'y hindi nito alam ay ang kung anuman ang naghihintay sa kanila doon. Andy, ang nakababatang kapatid ni Michelle ay makakaengkwentro ng kung anumang elementong bubulabog sa isang itinuturing dapat nilang isang matiwasay na bakasyon sa probinsya. Sa pagkakadiskubre ng mga sikretong nakapaligid sa bayan ng Lingana ay mapapalibutan ang mga Larzenas ng mga mahirap matukoy na mga bagay na lumilitaw sa paglubog ng araw. Isang araw matapos madiskubre ang librong naglalaman ng mga maikling istorya, si Michelle ay mapipiraso-piraso ang mga bagay na kakailanganin niya para malaman ang totoong nasa likod ng mga kaguluhan at gustong angkinin ang buhay ni Andy. Ang malalim na kasaysayan pumapalibot sa bayan ay unti-unting babangon sa hukay, kasabay ng gusto nitong pagsama sa kanila sa libing. (EXCERPT) "May tatlong bagay kayong dapat tandaan pag' andito sa lugar na to. Una, kapag alas syete o alas otso na, dapat tulog na ang lahat. Ikalawa, ang nanatiling gising ay pananatilihing gising hanggang mag-umaga. Ikatatlo, ang matulog kapag nakalampas na ang alas nuwebe..." ani ni Michael ng biglang naputol ang linya ng telepono.