Minsan na nga ba tayong nabuhay? Na sa pagsilang nating muli ay tila panaginip na nagpapa-alaala sa atin ang nauna nating buhay? Walang makapagsasabi at makapagpapatotoo pero minsan ay naitatanong natin sa ating mga sarili at nasasabing "Nakita ko na ba ang lugar na ito? Nakarating na ako rito pero hindi ko alam kung kailan!"Mahiwaga hindi ba Walang pinipiling panahon ang tunay pag-ibig. Kahit kamatayan ay hindi kayang hadlangan at paghiwalayin ang dalawang pusong wagas na nag-iibigan. Sa dako pa roon ay naghihintay ang tamang panahon para muling tumibok ang dalawang pusong nakalaan sa isa't isa.
17 parts