"Kahit mataba ako, maganda ako. Kaya kong pumayat, e ikaw kaya mo bang gumanda?" "Mabuti ng lechon ang tawag sa amin, atleast sa lechon pag kinain mo walang natitira. E sa hipon? Kain katawan, tapon ulo." "Mataba ako kasi may pambili ako ng pagkain." "Okay lang maging mataba, atleast kapag dumating yung tag-gutom papayat pa lang kami samantalang kayong mga payat ay mamamatay na." "Pag pumayat ako, hu u ka sakin!" -Yan ang mga karaniwang linya ng mga matataba. Sabi nila, ang mga matataba daw ay ang mga taong napabayaan sa kusina. Mga taong kain ng kain sa lahat ng oras. Hindi naman lahat ng matataba ay puro pagkain ang nasa utak. Yung iba, talagang lahi lang nila. Tumataba kahit na kakarampot lang ang kinakain. Karaniwang pang-asar sa kanila ay "Taba", "Baboy", "Tabachoy", atbp. Ni minsan ba, naisip natin na may epekto sa kanila yung mga pang-aasar na ginagawa ng karamihan? Kung manlait, akala mong walang kapintasan. Hindi natin alam ang mga pinagdadaanan nila. Baka sa pagtawag niyo sa kanyang mataba, lingid sa kaalaman niyo na ginugutom na pala niya ang sarili niya.