May mga kwento o istorya tayong madalas na marinig at mapag-usapan tuwing sasapit ang dilim. Mga kababalaghang nangyayari at mga kaganapang di sukat akalain lalo na sa pagsapit ng gabi. Mga kwento ng di-ordinaryong mga nilalang at mga istoryang nababalot sa lagim. Hindi man kapani-paniwala, tayo ay natatakot pa din sa kadahilanang hindi natin maipaliwanag.