Sanay na si Angel sa kasungitan ni Loiue. Unang pagkikita pa lang nilang dalawa at hindi na maganda any impresyon nito sa kanya. They were poles apart. Tahimik ito, samantalang madaldal siya.Lagi itong nakasimangot at seryoso, samantalang bungisngis at lagi siyang nakangiti. Ngunit sa kabila ng mga pagkakaiba nila, sensitibo sila sa pangangailangan ng bawat isa. Hanggang sa namalayan na lang ni Angel na hindi pala siya immuned sa mga titig at pagiging seryoso nito. Mas may appeal pala sa kanya ang ganoong klase ng lalaki. Peso nalaman niya na may babae kabaligtaran niya-tall, sweet, feminine, and a ballerina. Samantalang siya ay hindi aabot sa average height ng isang Filipina kung hindi siya magha-high heels. She was not sweet and not so feminine. At higit sa lahat, waltz lang ang kaya niyang sayawin. Puwede kayang magkatotoo sa kanila ni Louie any kasabihang "opposite poles attract"?