Pag namatay daw ang tao... Mayroon siyang pitong araw na pananatili sa mundo. At kwarentang araw (40 days) ng paglalakbay ng kaluluwa sa isang mundong dapat mong malagpasan para makarating sa destinasyon mo. Kapag napagtagumpayan ang mga balakid. Sa glorya ka mapupunta. Kapag nabigo ay sa pagdurusa... Papaano naman ang mga taong hindi pa naman nakatakda ang oras, pero namatay dahil sa panloloko ng iba??? Kailangan ba nilang pagdaanan din ang Siyete/Kwarentang paglalakbay? Anu-ano ba ang maaari mong makaharap sa paglalakbay kung namatay ka sa kamay ng "hindi pangkaraniwan" na mga nilalang? Na kahit sa paglalakbay ... ay sinusundan ka ng mga nilalang na iyon.. upang siguruhing sa 'pagdurusa' ka mapupunta...