Nabuhay ako sa nakagisnan kung pamumuhay pero kahit ganun nagpapasalamat ako sa mga taong umampon sakin, pero paano kung dumating yung mga problema na magiging dahilan ng pagkaguho nang mundo ko at pagbabago ng lahat nang nakasanayan ko. Paano ko masasabing matatag ako kung yung mga problema ko ayaw magpatinag? Ano ba talaga ang nakatadhana na mangyari sa buhay ko? Paano kung yung akala kung tutulong sakin at magiging forever ko ay yun din pala ang mas maglulugmok sa akin? Kailan ko mahahanap at mararanasan ang tunay na kaligayan? Kailan kaya ako makakabangon sa panahong magisa na lang ako?aasa pa ba ako na may darating na isang himala sa buhay ko at isang pitik lang wan ay biglang mabibigyan ng solution yung mga problema ko? Kung maibabalik ko lang ang nakaraan bago mangyari ito ay iiwasan ko ang dapat iwasan,totoo pala ang kasabihan na nasa huli ang pagsisi na nging dahilan ng pagkawala ng mga mahal ko sa buhay.