Dahil GRUDE na itinanim ni Carry sa kanyang puso, nabunyag ang lihim na bumabalot sa pagkatao nina Abrix at Zeal. Nagkatagpo din ang mga puso sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang panahon. Ngunit muling susubukin ang tibay at tatag ni Zeal. Sa pagkakataong iyon, nakasalalay sa kanyang mga kamay ang buhay ng babaing iniibig, si Amira. Ano nga bang panganib ang susuungin ng binata mailigtas lang ang dalaga? Sa laro ni Kamatayan, paano mapagtatagumpayan ni Zeal na mailigtas ang minamahal kung ang oras ay limitado lamang?