Alam niyo ba 'yung pinakamasakit sa lahat? Ang sukuan ka ng isang taong mahalaga sa'yo, lalo na kung minahal mo talaga siya.
Stella realized that it all turns out, a promise is really meant to be broken (sometimes).
Kahit sabihin natin na, nandyan lang ang pamilya natin lalo na ang mga kaibigan natin and even we have many blessings in life, feeling natin na parang may kulang pa rin.
Until now, hindi pa siya nag-momove on kasi ayaw niya. Umaasa pa siya. Naniniwala siya na may pag-asa pa. Pilit niyang inaayos ito, pero, mas nasasaktan niya ang sarili niya sa ginagawa niya.
Will she still continue to hope after a heartbreak? Or will she also gave up and let him go?
INVISIBLE
written by: Ghiebeloved
Ang pinakamakulay daw na yugto sa buhay ng tao ay kapag natuto ka ng magmahal.
Yung tipong mapapangiti ka nalang ng walang dahilan.
Kikiligin sa isang sulyap niya lang.
At ang wirdong pakiramdam na unti unting lumalago sa mga mumunting dahilan.
Pero bakit ganoon?
Bakit parang kabaligtaran ang naging ibig sabihin saakin ng salitang 'PAGMAMAHAL'?
Bakit ako nasaktan?
Bakit ako umiiyak?
At bakit punong puno ako ng pagasahang alam ko namang walang kasiguraduhan?
Bakit ba kasi sa kanya pa?
Bakit sa tao pang alam kong hindi ko kayang iwasan?
Sumpa ba talaga ang maipit sa sitwasyong ikaw lang ang nagmamahal?
Sumpa ba ang magmahal ng taong alam mong may ibang tinitignan?
O talagang mali lang mahalin ng higit pa ang isang taong tinuturing mong
'Matalik na Kaibigan?'