Kamusta naman ang lovelife mo? Sa wattpad ka nalang ba makakahanap ng girlfriend at boyfriend? Hindi ka ba nagsasawang puro kaibigan lang ang kasama mo at mga kasintahan nila? Hindi ka ba naiinggit? Oo ang daling sabihin pero ang hirap gawin. Lalo na kung natamaan ka sa babaeng hindi mo maabot. Oo matalino mayaman at siguro naman gwapo din ako. Malapit ako sakanya pero malayo rin. Kaya ko bang ibaling ang puso ko sa iba kung lagi ko siyang kasama? Bakit ba kase siya pa? Bakit yung babaeng pinapangarap ng lahat pero hindi tulad ng ibang babaeng heartthrob ay hindi manlang nila matingnan sa mata tong babaeng to. Baka kase mapunta kami sa detention eh! Bakit ba sakanya pa ko na inlove? Badtrip talaga! Kahit alam kong walang pag-asa sobrang sarap parin ng pakiramdam! Kase sa lahat ng lalaking may gusto sa kanya ako lang ang nakakalapit sa kanya. "Good Morning Marco! Pogi natin ah!" Yun lang ang sabihin sakin ng babaeng yun e parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. "Lagi naman akong pogi Seilah! Or should i say... President Seilah? Hahaha!" Yun ang lagi kong sinasabi sa manhid na Presidente ng Student Council na kababata ko din. Hindi ko mapigilan to. Ang sarap kase sa pakiramdam... sobrang sarap na mapapaisip ka nalang... May gusto din kaya sakin to? At sasagutin ko rin ng... 'Tanga ayan ka nanaman sa pag-asa mong laging obvious ang sagot! Syempre hindi!' Wala hindi ko mapigilan. Mapigilang mag isip... Mapigilang gumawa ng kwento sa isip... At umasa... Well, what can i do aside that? Hinding hindi ko naman siya makukuha... Fantasizing? Not bad. Masarap naman sa una e. Masakit lang sa huli. Fantasizing the Student Council President is my one and only choice...All Rights Reserved
1 part