Makakamove-on na sana si *girl* nang sa 'di sinasadyang pagkakataon ay napunta siya sa lugar kung saan sila madalas noon ng ex niya. Saksi ang lugar na iyon sa lahat ng pangako, pagmamahalan, at kahit pa tampuhan nila ni *boy*. Sa isang iglap ay masasayang ang halos isang taong paglimot nito sa nakaraan. Paano ka makakalimot kung paulit-ulit mong binabalikan lahat ng alaala na dapat ay ibinabaon na? Paano ka makakalimot kung ang taong pilit mong kinakalimutan ay nasa puso mo pa? Paano kung siya pa rin pala talaga? Handa ka bang buksan muli ang pintuang noon ay isinara't kinalimutan na?
4 parts