Sya si Shainna Coreen Sutherland , isa siyang babaeng nangangarap na mabuo ang pamilya kahit na napakaimposible noong mangyari. Halos lahat na ata ay meron sya , maliban sa pamilya at kaibigan. Oo , wala syang kaibigan dahil para sa kanya , friends will be with you during the day but will leave you in the dark. Para sa kanya , life is full of fake people. Hindi mo din sya masisisi , paano nga ba sya magtitiwala ulit? Kung ang sarili nyang pamilya at nag-iisang kaibigan ay tinalikuran at sinira pati tiwala nya? Pero , paano kung , sa lahat ng taong nang-iwan sa kanya ay meron pa palang isang taong naghihintay ng atensyon nya? Paano kung ang taong iyon pala ay ang magpapatunay sa kanya na sa mundong ito , hindi lahat ay iiwan ka , na sa mundong ginagalawan mo meron paring isang tao ang mananatili sayo?