Aubrielle Isla Allard, she can't still move on from her past. Para sakanya, iyon ang ala-alang hinding-hindi niya makakalimutan kahit gaano pa ito kasakit dahil kahit papaano ay naging masaya siya. Pero paano kung bumalik siya? Paano 'kung bumalik ang pilit niyang kinakalimutan na nakaraan? Will she make the same mistake before? You know what's the hardest part when entering a "no label relationship?" It is being afraid to speak up and ask "Kung ano ba talaga ang meron kayo?" Natatakot tayo dahil hindi natin alam ang isasagot nila. Walang kasiguraduhan. Kaya minsan mas gugustuhin na lang nating tumahimik at i-enjoy ang moment. Dahil ang importante, masaya kayo ngayon. Pero bukas? Baka puno ka na ng pagsisisi. Parang isang gamit na nakalimutang markahan o lagyan ng label kaya naman hindi mo alam kung iyo ba iyon o pag mamay-ari ba ito ng ibang tao. Kailangan bang laging pangunahan nang takot ang magdedesisyon natin sa isang bagay? Hahayaan na lang ba nating mabuhay tayo sa takot at pagtatago? O matututo na tayong maging matapang para aminin ang tunay nating nararamdaman. Matanggihan man. Matanggap man. Iwanan ka man. Kakayanin mo bang sumugal para sa taong mahal mo? Kahit wala namang kayo? Kahit Malabong magkaroon ng kayo? 06/14/20- #1 filipinoteenfiction 05/06/20 #1-Tanga 05/31/20 #1-filipinoteenfiction