Nag mumuka akong tanga satwing nakikita ko si kai na masaya sa iba. alam ko na hindi naman ako yung gusto nya kundi si sehun, pinipilit kong pigilan yung luha ko gabi-gabi kapag nakikita kong masaya sya kay sehun. Oo ako ang boyfriend ni kai. pero hindi naman ako yung mahal nya. e kung palayain ko nalang kaya sya? sigurado ako magiging masaya si kai sa piling ni sehun. sya naman kasi yung gusto nya. at hindi yung panget na katulad ko, siguro nga ito na yung tamang panahon na palayain ko sya dahil alam kong hindi naman sya masaya sakin. ramdam ko na napipilitan lang sya na mahalin ako dahil naawa sya sakin na walang nag mamahal since bata ako. oo inabandona ako ng magulang ko nung baby pa ko, hindi ko alam kung bakit. o baka naman destiny ko talagang mag isa at walang nag mamahal sakin..