"Madaming bakit, Madaming sana, at madaming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan gaya ng...
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Bakit hinayaan mo nalang na matapos ang lahat ng wala akong kaalam-alam?"
"Bakit mas pinili mong masaktan tayong dalawa?"
"Ikaw at ako, tayo. May tayo pa sana kung sinabi mo lang sakin yung totoo."
Nasaktan ako, Nasaktan ka. Maiiwasan sana ang mga sakit kung mas pinili mong ayusin ang ating problema kasama ako. Perpekto na sana tao kung nanatili ka lang. "
Ayan ang nakasulat sa huling pahina ng diary ko. Sinulat ko to nung mga panahong hindi ko pa alam ang totoo.
------------
A/N: Ano nga ba ang totoo?
All Rights Reserved