Hindi lahat ng tao, asal tao.
Hindi lahat ng nag sasabi ng mahal ka nila, nag sasabi ng totoo.
Hindi lahat ng maayos ang turing sayo, ganun din pag talikod mo.
Hindi lahat ng tinatawag mong halimaw, masamang tao.
Madalas, yung mga akala mong hindi ka iiwanan, sila pa yung bibitawan ka lalo na sa mga panahong kailangang kailangan mo sila.
Naranasan mo na? Ang sakit diba? Gusto mo mag suicide? Kasi tinraydor ka, kasi iniwanan ka, kasi ginawan ka ng kwentong sumira sa buong pagkatao mo? Sinisi mo yung Diyos sa nangyari, kasi sabi mo wala syang ginawa. Madalas sasabihin pa natin, sana mawala nalang tayo ng parang bula. Tama ba? Minsan sasabihin natin, useless nalang yung buhay kasi wala ng may pakialam. Tama ba? kasi kung mali edi sana ngayon hindi mo naiisip yung mga taong ginawan ka ng masama. Mali ba?
Pero sa lahat ng pinag daanan mo, meron pa ring mga taong mas malala yung pinag daanan kesa sayo.
Ang drama diba? Pero totoo, so ngayon tinatanung mo kung anong connect dun sa story at dun sa title? Basahin mo nalang Besh, bigyan nalang kita ng konting heads up...
Ang istoryang 'to ay tungkol sa isang babaeng tinalikuran ng lahat ng taong akala nya mahalaga ang turing sa kanya. Mula sa kaibigan hanggang sa Ka-ibigan. Dahil sa mga nangyaring hindi maganda sa buhay nya, tinalikuran nya din yung Diyos na sinasamba nya. Kasi para sa kanya pati Diyos pinabayaan na sya. Not knowing na "ALL THINGS WORK TOGETHER FOR OUR GOOD" She flights from Philippines to California kung saan mag babago lahat, pati takbo ng buhay nyang magulo. (Mas magiging magulo) Ikaw ba naman makagat ng bampira.
Curious ka na ba? Basahin mo na besh.
All Rights Reserved