Paano kung bigla na lang bumalik sayo si ex na hanggang ngayon ay mahal na mahal mo pa dahil matagal din kayong nagmahalan dati? Pero sa mga panahong nagmukmok at umiyak ka'y may isang taong dumamay at hindi ka iniwan hanggang humilom ang mga sugat na dulot ng nakaraan na handang mahalin at alagaan ka ng walang katumbas, sino nga bang pipiliiin mo? Si Ex o si Suitor? Dapat ko pa nga bang balikan ang nakaraan at ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan o magsimula na lang ulit kasama ang isang taong pinaramdam sakin kung paano ang alagaan?