I just want to share yung una kong hakbang sa pagbabago patungo sa Panginoon. Sana ay maging daan ang Wattpad na mahikayat ko kayong magbalik o kaya'y mas manalig sa ating Panginoon. Sama sama nating tuklasin ang mahahalagang aral na dapat nating matutunan. Marami na tayong nararanasan na mga kakaiba sa ating mundo ngayon. Andiyan ang biglang pagdating ng malakas na bagyo na naging sanhi ng pagkasira ng ibang lugar, pagkawasak ng kabuhayan at paglisan ng ibang buhay. Mayroon namang minsan ang paglindol o pagyanig sa ibang lugar. Natatakot ang iba na baka ito na ang sinasabi nilang "Big One" pero hindi ba natin naiisip minsan na baka kinakalampag na tayo ng ating Panginoon? Kailan pa natin maiisip ang magbalik loob sa kanya? Kapag huli na ang lahat? "Madaling sabihin at mahirap gawin" alam kong yan ang papasok sa isip mo ngayon. Pero bakit hindi natin subukan di ba? Sana ay magtulungan tayo para mas marami tayong matutunan sa aral ng salita ng ating Diyos. Nag-base ako sa libro na binabasa ko at doon ako nagbabase ng kung anong bible verse ang babasahin ko sa araw na iyon. Maraming salamat sa pagbabasa.