"Aray ko!" tinamaan na naman sya ng bola, net ba sya? Kaya lagi sya ang napipiling matamaan? Naisip nya iyon, buti nalang at matigas ang ulo niya kaya hindi ito nag-crack kahit na matigas ang bolang nakatama sa kanya. Pag lingon niya, nakita niya kung sino ang papalapit. "Andito nanaman ang asungot!" ng makalapit ito sa kanya ay dinampot nya ang bola at inihagis dito. "Ganti ko yan sayo! Bwisit ka talaga Miles!" "Haha.. hindi nakatama!" pang aasar pa nito sa kanya. "Kala mo! Ang panget mo naman!" sigaw pa ulit ni Gwen dito. "Ako? Panget?" sabay turo sa sarili. "Ang gwapo ko kaya." "You wish! Sabi mo kung mgaluyag ka sa akon. Pag dako nata sagotin taka! Hindi no! biskan gwapo kapa na sabi mo!" salitang Ilonggo nya dito. Naka ngiti lang si Miles habang sinasabi sa kanya ni Gwen ito. "Maghintay ka lang, Gwen. Pag dalaga kana, talagang liligawan na kita at kakainin mo lahat ng mga sinabi mo ngayon. Magiging girlfriend din kita."