7 parts Complete Khaleesi Parishe Santos, isang babaeng walang kaarte arte sa katawan, Mabait, masipag, matulungin, matalino at kung ano ano pang positive na bagay. Nang galing sya sa isang ampunan, dito na sya lumaki. Dito narin sya halos nabuhay. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nang tumungtong ang dalaga sa edad na labing pito, nagbago ang takbo ng buhay nya. Nakilala nya ang tunay nyang mga magulang. Ang sikat na business man na si Mr. Carlos Villareal. Kasabay din nito ang paglitaw ng kababata nya na si Aivan Hendrix Perez, ang kapatid ng isang sikat na singer sa buong mundo. Isang lalaking hindi nauubusan ng pang asar at pang alipusta sa kanya. Bumalik tayo sa pagiging tagapagmana ng 'Villareal'. Matututunan nya kayang umakto bilang isang mayaman, sopistikada, at sosyal. Ang mga bagay na malayo sa kinagisnan nyang ugali? Isang tanong ang lumalaro sa kanyang isipan ngayon, "How to be a Heiress?" Paano mo nga ba maiiba ang sarili mo kung ito na ang nakasanayan mo sa loob ng labing pitong taon? Kailangan mo nga ba talagang ibahin ang sarili mo para lamang maging 'fit' ka bilang isang tagapagmana? Kailangan mo nga bang ibahin ang sarili mo para bumagay sa 'kanya'?