A Transmogrification of Korean Historical Drama, Moon Lovers: "SCARLET HEART RYEO"
•GENRE: Historical - Fantasy•
=°=
Isang taong lobo ang tinutugis dahil sa kapangahasa't walang awang pagpaslang nito sa babaeng nakatakda sanang mapangasawa ng kasalukuyang Itinakdang Prinsipe(Crown Prince).
Isang taong lobong sumpa para sa mga mamamayan ng Goryeo't itinuturing na tinik sa lalamunan ng palasyo.
Ngunit, paano na lang kung si Hae Soo pala ang siyang taong lobo na iyon-na nakatakdang tumanggap sa kaluluwa ni Go Ha-jin sa kanyang pagbabalik sa nakaraan?
Mapapalapit pa kaya siya sa mga prinsipe, gayong ang lahat ng ito'y tinutugis siya at nais na paslangin? Paano kaya siya mabubuhay sa ganoong katauhan na mas malupit pa kaysa sa buhay na pilit niyang tinakasan sa kasalukuyang mundo?
=°=
DISCLAIMER: All the names, places, and images I used in this novel are credited to the Historical Korean Drama, Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo. I also have a high respect to Korean History, and writing this transmogrification has no harm intended to any person's name esp. King Wanggun (Taejo), the 4th King(Wang So), and the list goes on.
This story is purely fiction. And a Transmogrification of Scarlet Heart.
♦ Transmogrification is (1)a system that allows characters in the story to change the appearance (but not the function) of their roles. (2)to change or alter greatly and often with grotesque or humorous effect.
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos